Mga Artikulo
Paano I-Set Up Ang Chessboard

Paano I-Set Up Ang Chessboard

CHESScom
| 251 | Para sa Baguhan

Kung may chess set ka at gusto mong magsimula ng laro, ang una mong dapat gawin ay i-set up ang board nang tama.

Step 1: Ilatag ang board na puting square ang nasa kanang sulok sa ibaba ng board.
Importanteng tama ang pagkakalatag ng board para mai-set up nang tama ang magkabilang panig. Ang madaling paraan para matandaan ito ay "puti sa kanan".

Step 2: I-set up ang mga pawn sa pangalawang rank (o hilera).
Ang paglalagay ng mga pawn nang una ay makakatulong na mabawasan ang mga piyesa kaagad at mas madali nang sumunod ang iba pang piyesa.

Step 3: Ilagay ang mga rook sa sulok.

Madaling tandaang ilagay sa sulok ang mga rook, parang mga tore sa totoong kastilyo.

Step 4: Ilagay ang mga kabayo sa tabi ng mga rook. 

Isipin na maglalagay ka ng mga maaamoy na kabayo sa board at gusto mo silang malayo sa hari at reyna.

Step 5: Ang mga bishop ay katabi ng mga kabayo. 

Ang mga bishop ay nakapagitna sa mga mababahong kabayo at mahal na hari at reyna. I-set sila katabi ng mga kabayo.

Step 6: Ang reyna mo ay ilagay sa sarili niyang kulay. 

MAHALAGANG mailagay sa tamang square ang reyna. Ang madaling paraan para matandaan ito ay ang isiping gusto ng reyna na naka-terno sya. Ang puting reyna ay sa puting square; ang itim na reyna ay sa itim na square.

Step 7: Ilagay ang iyong hari sa huling square. 

Sa puntong ito isa na lang ang bakanteng square, kaya natural lamang na dito lulugar ang hari.

Step 8: Huwag kalimutan, Puti ang unang titira. 

Sa chess, ang puting player ang laging unang tumitira. Pwede kayong magdesisyon kung sino ang maglalaro ng Puti at sino ang maglalaro ng Itim gamit ang kahit na ano'ng pamamaraan ng swertihan. Isang pamamaraan ay ang paghawak ng isang pawn at pagtago nito sa iyong likuran at papiliin ang iyong kalaban.

Kung gusto mo nang maglaro, may naka-setup nang chessboard para sa iyo sa Chess.com!

Mas marami pa galing kay CHESScom
Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Paano Maglaro ng Chess | Mga Patakaran + 7 Unang Hakbang

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess

Ang 10 Pinakamahusay na Patibong sa Chess